Wednesday, March 14, 2012

Welcome sa ating Virtual klasrum

Mabuhay.! Bilang simulain ay mangyaring ipakilala ang inyong sarili bago si

9 comments:

Anonymous said...

Yes Ma'am

Daffny Fangonil said...
This comment has been removed by the author.
ey.eyG said...

hi Ma'am :)
GARCiA,Ana Angelica ng III-Harmony here.

Ang Noli Me Tangere ang nagturo sa'kin kung pa'no higit na pahalagahan ang bayan natin :> Punung-puno ito ng mga ideyang hindi basta-basta nakikita sa may kanto o nababasa sa iba't-ibang magasin. Realisasyon ito para sa isang pilipino, isang estudyante at higit sa lahat isang TAO. Hindi nga ako makapaniwala na hanggang kabanata 64 e maeenjoy kong basahin. Nakakatuwa ang lahat ng tauhan sa nobelang ito. Mula sa lumagong personalidad ni C.Ibarra, sa totoong katauhan ni Maria Clara hanggang sa sakim at pagiging imoral ni Padre Salvi ay nabasa at syempre nagustuhan ko talaga. Syempre pinaka gusto kong tauhan e si Elias -- si Elias na matapang :D
Maraming pahiwatig ang nobelang ito sa totoong nangyari noong panahon pa ng mga Kastila. Nakapiring pa nga talaga ang mga mata ng mga Pilipino o tinatawag nga noong iNDiYO. sinasabi rin dito na dapat higit tayong magpasalamat sa mga taong nagsakripisyo at gumawa ng paraan para makuha natin ang kalayaan. THUMBS UP para sa kanila! At isa pang napagtanto ko sa librong ito na dapat magpasalamat talaga ang mga Pilipino dahil malayang-malaya tayo 'di tulad noon.
Basta para sa kin 'ding hindi ko malilimutan ang librong ito. Isang salita lang talaga ang masasabi ko sa Noli Me Tangere -- iMORTAL :)))

ian rondaris said...

ma'am, Ian Josh A. Rondaris from III-discovery
Ang noli ay nabigay kulay sa aking buhay dahil naliwanagan ako sa totoong dahilan kung bakit ito isinulat ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal. Ang noli ay madaming tinuro sa akin katulad ng pagmamahal sa ating bayan, pagiging matapang at hindi gumagamit ng dahas sa pakikipaglaban. Ang noli ay parang programa ng mga T.V. station na palagi mong sinusubaybayan pag gabi ang mga susunod na pangyayari. Sa 64 na kabanata nito, akalain mo meron pa palang katuloy ito pero ibang libro na.
Ang noli ang nagmulat ng mata ng mga PILIPINO noong panahon ng kastila na labanan ang mga katila. Madaming nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating minamahal na bansa pero parang nasayang ang mga buhay dahil sa ginagwa ng tao ngayon. Maganda ang mensahe ng noli kaya magandang basahin kahit ulit-ulitin.

Giordano Salazar said...

Salazar, Giordano D. ng III- IDealism Ma'am
Ang Noli ay isang pambihirang akda ni Gat Jose Rizal. Hinangaan ko kung papaano niya ipinahayag ang kanyang damdamin at saloobin sa kaniyang kapwa Pilipino noong mga panahong iyon sa pamamagitan ng pagpapahayag nito sa uring nagsasalaysay siya ng pang araw araw na pamumuhay ng mga tao noon. Kung papaanong bulag ang mga tao sa katotohanan, kung papaano nagkakaroon ng hindi pagkakapantay pantay, bulag na hustisya at kawalan kalayaan ng mga Pilipino mismo sa kanilang sariling bayan sa ilalim ng pananakop ng mga espanyol.
Lalo pa ngang nagpahanga sa akin kung papaano ipinahayag ni Rizal ang mga mensaheng nais niyang ipahatid sa mga Pilipino, naging malikhain siya na sa isang usapan ng mga tauhan sa kwento ay may nailalabas siyang mensahe o simbolismo. Kung papaano nilaro ni Rizal ang bawat tauhan sa kwento upang isiwalat ang kabulukan noon ng sa ganoon na rin ay mabigyang buhay at kabuluhan ang bawat tagpo sa kwento. Parang chopsuey, kahit na iba't ibang uri ng gulay ang nakahalo rito ang lasay magiging isa pa rin depende na lamang sa pagtimpla ng nagluluto. Gayon na rin sa Noli, marami mang tauhan sa kwento at ibat't iba ang kanilang estado, nandoon pa rin ang iisang mensahe at layunin ni Rizal- ang imulat ang kaisipang Nasyonalimo.
Ang Noli ang siyang nagmulat sa aking diwa tungkol sa mga kanser panlipunang kinakaharap ng Pilipinas hindi lamang noon kundi magpahanggang sa ngayon. Gaya na lamang ng kahirapan, pagtangkilik sa kakayahan ng mga banyaga sa halip na ang sa sariling lahi, at ang pagtatakwil sa sariling pagkakakilanlang lahi.
Na ako bilang mag-aaral at mamamayan ng bansang ito ay may tungkuling dapat gampanan hindi lamang sa aking sarili kundi pati na rin sa lipunan. Na namatay man si Dr. Jose Rizal, sa pamamagitan ng mga akda niyang ito, ay dapat magpatuloy ang paggising sa damdaming nasyonalismo ng bawat isa at nang hindi masayang ang mga pagpapagal na iginugol nila para sa kalayaan natin ngayon.

Tarjata Anjelika R. Conde said...

Magandang gabi po sa inyo. Conde, Tarjata Anjelika R. ; III-Idealism

Para sa akin, ang Noli Me Tangere ay hindi lamang isang nobela na mahusay at malikhain ang pagkasulat, hindi lamang isang likhang pampanitikan na pinag-isipang mabuti. Ito ay isang pagkukunan ng karunungan at kaliwanagan sa buhay. Sapagkat ito ay nagsilbing pamamaraan ni Jose Rizal upang maimulat ang kaisipan ng mga Pilipino sa pangangapi ng bansang Espanya, ito ay mayaman sa mga aspeto ukol sa paninindigan,pagmamahal sa pamilya, pag-ibig, sosyalismo, ekonomiya, tamang pagpapasya, paniniwala atbp. Kaya Malaki ang kinalaman ng Noli sa paghubog sa kaugalian ng mga Pilipino - noon at ngayon.
Ang bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay may nakapaloob na gintong butil ng karunungan na mapupulot at magagamit nating mga mambabasa sa pang-araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Ang bawat tauhan sa Noli ay sumasagisag sa iba't ibang uri ng tao sa lipunan. Ang bawat eksena ay malikhaing paglahad ng mga pamamamaraan ng pakikisalamuha nila sa isa't isa - kung papaano gumagana ang tunggalian ng mga makapangyahiran at mga mahina ang loob (isang istraktura na maihahalintulad natin sa lipunan ngayon) Hinahangaan ko ang kapangyahriran ng mga kaisipan ni Rizal sapagkat ito ay ginagamit at pinag-aaralan parin ng pangkasalukuyang henerasyon. At habang nakapaloob ito sa kurikulum ng asignaturang Filipino, mapapakinabangan ito ng mga henerasyon sa darating na panahon.

Josareeh Garcia said...

hi ma'am Josareeh Garcia po ito ng III-Harmony

Ang Noli Me Tangere po isang bagay na kailangan na matutunan ng bawat mag-aaral kaya ito ay isang napakaimportanteng bagay para matutunan ng lahat. Ito ay hindi basta bastang libro kundi ay punongpuno ng mga aral para sa mga darating na pagsubok.Marami itong itinuturo sa aming mag-aaral kung bakit ganoon ang mga nangyayari sa ating bansa kaya't ito ang nagbibigay linaw sa amin sa mga dapat gawin para ito ay maiwasan.At bilang isang anak ay natutunan ko ang tunay na pagpapahalaga sa aking mga magulang , bilang isang mag-aaral natutunan kung ito ay isang bagay na maipangmamalaki ko at habang buhay kung hawak at bilang isang pilipino natutunan kung pahalagahan,mahalin at ipagmalaki ang aking bansa.Kaya't ang noli me tangere ang isang librong punong puno ng aral at katuturan sa buhay.

Lani said...

Murphy,Lani from III-Harmony

Ang Noli Me Tangere ay isang nobela na nagpapakita ng mga naganap noong panahon ng mga kastila. Ang mga karakter dito ay nagsisimbolo kung ano talaga sila. Tulad ni Donya victorina na nagpanggap bilang isang europea kahit na hindi naman siya ganun. ang mga nakasulat din sa Noli ay tungkol sa mga kanser ng lipunan na umiiral hanggang ngayon. ipinapamulat ni Gat. Jose Rizal sa mga tao ang mga nangyayari. sa pagbabasa ko sa noli, madami pang mga kanser ng lipunan ang hindi pa nabibigyan ng lunas. bilang isang estudyante, alam ko na madami din akong magagawa para malunasan ang mga ito. magaganda ang mga ipinapahiwatig ng mga nakasulat dito.. lahat ng mababasa mo ay magkaugnay sa mga nangyayari noong araw.